Naitala sa mga lungsod ng Tuguegarao at Pasay ang pinakamainit na temperatura sa bansa para sa 2020.
Batay sa datos ng pagasa mula sa kanilang mga istasyon sa Tuguegarao at Pasay City, umabot sa 35 point 5 degrees celsius ang rumihestrong temperatura sa mga nabanggit na lugar kahapon, Marso 8.
Sinundan naman ito science garden sa quezon city na may 35 degrees celsius na temperatura, Clark Pampanga na 34.9 degrees at Butuan City na 33.3 degrees celsius.
Inaasahan namang mas iinit pa ang mararamdamang temperatura sa bansa mga susunod na araw kasunod ng paghina na ng northeast monsoon o amihan.