Naitala ang pinakamainit na temperatura sa mundo noong 2016.
Batay sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), naitala ang pinakamainit na temperatura sa Iran at Kuwait.
Dahil dito, ito na ang pinakamataas na temperatura mula noong 1880.
Ayon sa NOAA, mula nang magsimula ang 21st century, ang taunang global temperature ay nahihigitan ng limang beses partikular sa mga taong 2005, 2010 at 2014 hanggang 2016.
By Ralph Obina