Isinapubliko na ng Russia ang unang larawan ng itinuturing na pinakamalakas at pinakabagong nuclear weapon sa ngayon.
Ayon kay Russian Deputy Defense Minister Yuri Borsiov, ang inter-continental ballistic missile na RS-28 Sarmat o “Satan 2” ay may kapabilidad na gunawin ang isang bansang kasinglaki ng France, Britanya maging ng estado ng Texas sa Amerika.
May kakayahan din ang Satan 2 na pasabugin ang mga lumilipad na target kahit sa magkabilang panig ng mundo sa loob lamang ng ilang segundo.
Tumitimbang anya ang missile warhead ng RS-28 ng isandaang (100) tonelada.
Gayunman, hindi pa idinedetalye ng Russia kung kailan sila magkakaroon ng missile test.
By Drew Nacino
Image: Getty / The image of the missile was de-classified by the Russian government