Nabuo na ang pinakamalaking amphibious aircraft ng China.
Pinasinayaan na ng Aviation Industry Corporation of China o AVIC ang una sa mga bagong eroplano nito na tinawag na “AG600.”
Partikular umano itong magagamit sa mga forest fire at marine rescue.
May kakayahan itong humigop ng 12 toneladang tubig sa lawa o karagatan sa loob lamang ng 20 segundo.
Limampung tao rin ang kaya nitong i-rescue kada biyahe.
Dahil dito, sinasabing madaragdagan ang mga aktibidad ng mga Tsino sa West Philippine Sea dahil sa naturang amphibious aircraft.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AFP