Lumagda ng 5-year contract extension ang reigning nba MVP na si Russel Westbrook sa Oklahoma City Thunders.
Bagaman hindi idinetalye ni Thunders Executive Vice President Sam Presti ang terms and conditions, posibleng umabot sa 205 million dollars ang napagkasunduang suweldo kay Westbrook o 41 million dollars kada taon.
Ito na sa ngayon ang pinakamalaking halaga ng kontratang nilagdaan sa NBA.
Excited naman si Westbrook na makatambal ang mga bagong teammate at kapwa all star na sina Paul George at Carmelo Anthony.
Samantala, dahil sa contract extension at dalawang dagdag na star players, naniniwala si Presti na malaki ang tsansa ng team na makabalik sa NBA finals.