Nakumpiska ng U.S. authorities ang may 16 na tonelada ng cocaine sa isang barko sa pantalan ng Philadelphia.
Ang cocaine na nagkakahalaga ng $1-B ang itinuturing na pinamalaking drug bust sa kasaysayan ng Amerika.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni William Mcswain, U.S. attorney general sa eastern district of Philadelphia na arestado na ang lahat ng crew ng MSC Gayane cargo ship na nakatakda sanang maglayag patungo ng Europe.
Bago dumaong sa Philadelphia port ay galing rin ng Chile, Panama at Bahamas ang barko.