Ipadadala ng Pilipinas ang pinakamalaki nitong eroplano at sasakyang pandagat sa Gitnang Silangan.
Ito ang kinumpirma ng Department of National Defense (DND) kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na repatriation ng mga Pilipino doon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinaplano nila ng maigi ang kanilang mga hakbang para dito.
Aniya, nakikipag-usap na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ibang bansa hinggil sa pagpapadala ng mga ito.
Samantala, nilinaw naman ni Lorenzana na hindi pupunta sa Gitnang Silangan ang mga ito para makipaglaban kun’di para sunduin ang mga Pilipino.