Aarangkada na ngayong araw ang pinakamalaking Hindu festival sa Mumbai City, India sa gitna ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.
Halos hindi na mahulugang-karayom ang mga tao sa iba’t ibang pamilihan sa mumbai sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno sa anumang mass gathering at religious festival.
Magtatagal ng 11 araw ang Ganesh Chaturthi festival bilang pagdiriwang sa pagbabalik ng diyos ng elepante na si Ganesha.
Tinatayang dalawang milyong deboto ang inaasahang makikiisa sa selebrasyon sa Mumbai bukod sa milyon-milyong katao sa iba’t ibang panig ng India.
Samantala, naghahanda na ang Indian government sa posibleng 3rd wave ng COVID-19 cases sa sandaling matapos ang nabanggit na pagdiriwang.
Aabot na sa 33.14 milyon ang total COVID cases sa India habang kahapon ay nakapagtala ng additional daily cases na 43,263. —sa panulat ni Drew Nacino