Halos dalawang linggong mananatili sa lalawigan ng Albay ang pinakamalaking hospital ship sa buong mundo.
Mula June 27 hanggang July 11 ay isasagawa ang Pacific Partnership sa Albay, isang joint humanitarian program sa ilalim ng Philippine – US Mutual Defense Treaty.
Tinatayang 4,000 mga pasyente ang inaasahang magagamot sa USNS Mercy na iikot sa iba’t ibang lugar sa Albay.
Huling nagtungo ng Pilipinas partikular sa Roxas City, ang USNS Mercy noong 2013 matapos manalasa ang bagyong Yolanda.
Tinatayang 1,000 sundalo ang kalahok sa Pacific Partnership kabilang na ang mga mula sa US Pacific Fleet.
Maliban sa medical mission nakatakda ring matayo ang Pacific Partnership engineers ng mga silid-aralan, isaayos ang water deposits, handwashing stations at magsagawa ng beach cleanups.
By Len Aguirre