Muling uminit ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea makaraang muling nagsagawa ng missile test ang NoKor.
Pinakawalan ng nokor ang pinaniniwalaang pinaka-malaki nitong Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) at tumama sa karagatang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Japan.
Nagpakawakala rin ng mga missile ang SoKor bilang tugon sa ICBM launch ng North Korea, kahapon.
Kinumpirma naman ng Japan na isang bagong ICBM ang bumagsak sa kanilang karagatan sa bahagi ng Hokkaido Island pero walang nasaktan.
Ito ang kauna-unahang full-range test na ipinag-utos ni NoKor Supreme Leader Kim Jong Un sa kanilang mga pinaka-malakas na missiles simula noong 2017.