Ayon sa SEA Travel Insights 2023 report ng GrabAds, pito sa sampung Pilipino ang gustong mag-travel sa ibang bansa for the next 12 months.
Isa ka ba rito? Kung oo, pwede mong idagdag sa iyong bucket list ang Inspire Entertainment Resort, ang pinakamalaking integrated entertainment resort sa Northeast Asia na matatagpuan sa Incheon, South Korea.
Isang unique destination na tiyak na magbibigay ng fun experience for visitors of all ages ang Inspire Resort. Sa laki nitong katumbas ng 64 football fields, nandito na ang lahat ng kailangan mo para magkaroon ng isang perfect holiday—mula sa luxurious hotel towers, indoor water dome, outdoor park, immersive digital street, at marami pang iba.
Nagkaroon ng soft opening ang Inspire Resort noong November 30, 2023 kung saan binuksan ang tatlong hotel towers na mayroong 1,275 rooms, isang 15,000-seater multipurpose performance venue, at ilang restaurants.
Bukas na rin sa publiko ang Aurora, isang 150-meter entertainment street na pinapalibutan ng giant LED screens mula dingding hanggang kisame. Dahil sa surreal imagery, mararamdaman mong para kang naglalakad sa ilalim ng dagat o kaya naman sa kagubatan, depende sa kung anong scenery ang lumabas sa high-resolution screens.
Eternal summer naman ang mararanasan mo sa Splash Bay, isang indoor water park na nasa crystalline glass dome. Dito, ano man ang panahon, mae-enjoy mo pa ring mag-swimming under the endless blue sky.
Cultural space naman ang inaalok sa Inspire Mall kung saan maaari kang mamili sa selection ng international at local brands. Mayroon din ditong indoor at outdoor parks at plaza, pati na rin large-scale media art exhibition hall.
Layon ng Inspire Resort hindi lang makapagbigay ng entertainment, kundi makapag-alok ng iba’t ibang activities para sa kahit anong uri ng bisita. Kaya kung pupunta ka rito, 100% sure na magkakaroon ka ng fun at memorable experience, mag-isa ka man o kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Kaya ikaw, isasama mo ba sa iyong bucket list ang pagbisita sa Inspire Resort?