Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamalaking barkong pandigma ng Japan na nakadaong sa Alava Pier, Subic Bay, Zambales.
Binigyan ng arrival honors si Pangulong Duterte bago magtungo sa flight deck at binigyan ng briefing ni Rear Admiral Yoshihiro Goka, Commander ng Escort Flotilla One na sinundan ng closed-door meeting.
Ito ang kauna-unahang beses na bumisita sa Pilipinas ang Japanese helicopter carrier na JS Izumo, noong simula ng World War 2.
Umani naman ng papuri mula sa Pangulo ang naturang barko na sinamahan ng isa pang Japanese warship.
Samantala, kinansela ni Pangulong Duterte ang kanyang biyahe sa Japan ngayong linggo dahil sa nagpapatuloy na Marawi crisis.
By Drew Nacino
Photo: PIA Gitnang Luzon / Facebook