Binuksan na ng SM Suppermalls ang pre-registration para sa SM Little Stars, ang taunang talent search para sa mga batang apat hanggang pitong taong gulang.
Sa ika-14 na taon ng SM Little Stars ay nagsilbi nang platform para sa ilang biggest stars ng bansa na magaling sa pagkanta, pag-arte at pagmo-model tulad nila 2013 boy grand winner Nhikzy Calma, 2014 girl grand winner Chun Sa Jung, 2023 third runner up Esang De Torres at 2017 grand girl winner Gaea Salipot.
Ayon kay SM Supermalls Senior Vice President for Marketing Joaquin San Agustin, ang SM Little Stars ay patunay ng kanilang commitment para maging masaya, memorable at rewarding para sa mga bata at kanilang pamilya ang pagmo-mall bukod pa sa pagiging ligtas at pagsisilbing nurturing place ng mga bata ang SM.
Sinabi naman ni SM Little Stars Project Head Hanna Carinna Sy na masaya siyang makalipas ang tatlong taon ay muli nilang inilunsad ang itinuturing na pinakamalaking kiddie talent search sa bansa at gagawin sa 70 SM Malls mula Baguio at Tuguegarao hanggang Davao at Cagayan de Oro sa Mindanao.
Ang mga batang mapapabilang sa grand finals ay ite-train ng celebrity mentors sa pamamagitan ng workshops para ma-develop pa ang kanilang talents at confidence on stage at magsisilbing bonding na rin sa kapwa participants nila.
Samantala, itinaas pa ang mga pa premyo sa SM Little Stars sa taong ito tulad ng mahigit 9 million pesos cash gayundin ang isang brand new Suzuki S-Presso Special Edition MT MS na nagkakahalaga ng mahigit 600,000 pesos, isang taong taleng contract sa sparkle GMA Artists Center, 100% discount sa college tuition at miscellaneous fees sa National University, five day at four night trip for two sa Hong Kong, kabuuang 100,000 pisong cash at SM gift certificates.
Bukod pa rito, ang lucky boy at lucky girl winners ay makakatanggap din ng 30,000 pesos na halaga ng Toy Kingdom gift cards, annual pass certificate sa unlimited bowling games at skating admission na valid sa loob ng isang taon, 30 regular ride tickers sa SM by the Bay Amusement Park at Sky Ranch at gift vouchers para sa two night stay with breakfast for two sa Radisson Blu Cebu.
Para makapagpa-register,kailangang dalhin ng parent o guardian sa anumang SM Supermalls sa buong bansa ang original at photocopy ng birth certificate ng kanilang anak, dalawang kopya ng 4R size ng litrato nito na may light make up lamang, isang close up shot at isang whole body shot kasama ang filled up application form o kaya naman ay maaaring mag apply online sa pamamagitan ng http://smsupermalls.com/smlittlestars/.
Ang SM Little Stars 2023 ay tatakbo mula July 15 hanggang August 27 kaya’t sugod na sa pinakamalapit na SM Supermall para makapagpa-register o kaya naman ay bisitahin ang social media accounts ng SM Supermalls.