Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na malaki ang kinita ng Pilipinas sa unang anim (6) na buwan ng taon.
Batay sa datos mula sa DOT, tumaas ng 17% ang kanilang kabuuang kita ngayong taon kumpara sa unang anim na buwan noong isang taon.
Naitala ng ahensya ang pinakamataas na tourist spending noong buwan ng Pebrero na pumalo sa P48-B.
Para naman sa buwan ng Hunyo, pumalo sa P38-B o mahigit 30% ang itinaas ng kanilang kita kumpara noong isang taon.
Magugunitang ang turismo ang nakapag-ambag ng pinakamalaking naglikha ng trabaho noong isang taon na pumalo sa 5.4-M.