Pitong (7) rebelde at dalawang (2) sundalo ang namatay sa isinagawang operasyon ng militar sa pinakamalaking kuta ng New People’s Army o NPA sa boundary ng Sultan Kudarat at South Cotabato.
Ayon kay Philippine Army 33rd Infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, gumamit sila ng kanyon sa pagsalakay isang kuweba at matitibay na bunkers na nagsisibling kuta ng mga rebelde.
Narekober naman sa lugar ang ilang mga baril at iba’t ibang dokumento.
Nasa sampung NPA members naman ang sumuko ilang oras matapos ng operasyon.
Samantala, apat na miyembro naman ng NPA ang sumuko rin sa Agusan del Sur dahil sa pagod at patuloy na opensiba ng militar.
(Ulat ni Jonathan Andal)