Naaalarma na ang North Atlantic Treaty Organization o NATO sa paglalayag ng Northern Fleet ng Russian Navy patungong Syria.
Ito’y dahil sa pangambang gamitin sa pag-atake sa mga sibilyan sa Aleppo, Syria ang mga fighter jet ng Russia mula sa nag-iisang aircraft carrier ng Russia na Admiral Kuznetsov.
Kasalukyang nasa Mediterranean at nakadaong sa North Africa ang aircraft carrier kasama ang ilan pang barkong pandigma at anumang araw ay inaasahang darating na ito ng Syria.
Magpapakarga sana ng krudo ang mga Russian warship sa Spain subalit hindi pinagbigyan ng Spanish government dahil na rin sa babala ng NATO kung saan miyembro ang Espanya.
Samantala, ibinabala naman ni Russian President Vladimir Putin na kahit iniiwasan sila ng kanilang mga foreign partner, may limitasyon din ito at anumang araw ay maaari nilang atakihin ang mga terorista at rebelde na kalaban ng Syrian government na kaalyado naman ng Russia.
By Drew Nacino
Image: UK MoD Photo