Ikinakasa na ng Russia ang kanilang pinakamalaking military exercises simula pa noong Cold War.
Ito’y sa gitna ng diplomatic standoff sa pagitan ng Russia at Amerika matapos lagdaan ni US President Donald Trump ang bagong sanctions bill laban sa Russian government dahil umano sa pananabotahe nito sa November 2016 US Presidential Elections.
Lalahukan ng libu-libong sundalo ang Zapad 2017 war games na isasagawa sa karatig bansa na Belarus simula Setyembre 14 at 20.
Magpapadala ang Russia ng mga naval at air units sa loob at paligid ng Baltic at North Sea.
Ipinaliwanag naman ng Russia matagal na nilang plano ang paglulunsad ng Zapad exercises bilang “show of force” at upang ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa North Atlantic Treaty Organization na pinangungunahan ng Amerika.
By Drew Nacino