Tinatayang 550 milyong dolyar o halos P25 billion pesos na pondo ang ipinapanukala ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization sa susunod na taon.
Gagamitin ang naturang pondo sa pagbili ng mga frigate, surveillance plane at radar para sa improvement ng defense and detection ng mga posibleng banta sa West Philippine Sea.
Ayon kay DBM Secretary Butch Abad, ang budget para sa modernization ng AFP ay bahagi ng P3 trillion peso proposed 2016 national budget.
Sakali aniyang maipasa sa kongreso ang proposed P25 billion peso fund para sa AFP, ito na ang magiging pinakamataas na expenditure para sa military modernization.
By Drew Nacino