Pinasinayaan na ang unang strategic sealift vessel ng Philippine Navy sa PT PAL Shipyard, sa Surabaya, Indonesia.
Pinangunahan nina Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin at Navy Chief, Vice Admiral Caesar Taccad ang Philippine delegation sa launching ng bagong barko.
Kasama sa pagpapasinaya ang Indonesian delegation sa pangunguna ni Defense Minister Ryamizard Ryacudo at PT PAL President Firmanshay Arifin.
Gayunman, sasailalim muna sa mga serye ng test ang pinakamalaking naval asset ng Pilipinas na papangalanang BRP Tarlac bago i-deliver sa Mayo.
Dalawang strategic sealift vessel ang inorder ng Pilipinas mula sa PT PAL na nagkakahalaga ng mahigit 90 milyong dolyar.
Tinatayang 500 sundalo ang maaaring isakay ng nabanggit na barko kabilang ang logistics supply tuwing may kalamidad at dalawang helicopter.
By Drew Nacino