Inaprubahan na ng Senado ang final version ng pinakamalaking overhaul sa US tax code.
Pumasa ang panukala sa botong 51 at 48 na inanunsyo ni Vice President Mike Pence.
Gayunman, babalik pa ang naturang panukala sa mababang kapulungan at muling pagbobotohan na inaasahan namang maipapasa din sa bandang huli.
Inaasahang ilalagay na ang naturang panukala sa mesa ni US president Donald Trump bago mag – Pasko.
Sinasabing pangunahing layunin ng panukala na magkaroon ng malaking tax cut para sa mga korporasyon at negosyante.