Mapupunta sa Department of Education (DepEd) ang pinakamalaking bahagi ng pondo para sa sektor ng edukasyon sa 2020 proposed national budget.
Base sa inilatag na plano ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa pagdinig ng Kamara, sa kabuuang 673 billion na pondo para sa edukasyon,551.7 billion ang nakalaan sa DepEd.
68.5 billion ang mapupunta sa State Universities and Colleges SUC’s,40.8 billion ang mapupupunta sa Commission on Higher Education (CHED) at P12-B naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ilalaan ng DepEd sa pagsasa-ayos ng facilities ang nakalaang pondo samantalang sa mga mag-aaral na naka-enroll naman sa mga SUC’s ang paggagamitan ng CHED.