Bubuksan na ang pinakamalaking port passenger terminal sa Zamboanga City bago matapos ang taon.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nagkakahalaga ang proyekto ng P316-M na kayang tumanggap ng hanggang 4,500 pasahero.
Inaasahang magiging tulong ang proyekto upang mapabilis at episyente ang proseso ng Zamboanga Port.
Maliban dito, isinasaayos na rin ang ilang pantalan sa Tacloban, Ormoc, Surigao at iba pa.
Simula 2016, nasa 585 port projects na ang nakumpleto ng PPA at Department of Transportation (DOTR), kung saan 31 ang matatapos bago magwakas ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Abby Malanday