Naghahanda na ang Amerika sa panibagong pinakamalaking sanction laban sa North Korea.
Ayon kay US President Donald Trump, bahagi ng paghahanda ang paglalarga ng mahigit limampung (50) barko at maritime transport companies at idadamay din aniya nila ang China at Taiwan.
Sinabi ni Trump na layon ng nasabing hakbang na putulin ang sources ng revenue na nagpo pondo sa nuclear program ng NoKor.
Taong 2008 nang unang nagpatupad ng sanctions ang Amerika laban sa NoKor dahil sa kanilang nuclear program.