Inatake ng mga hinihinalang miyembro ng NPA o New People’s Army ang pinakalamaking independent solar farm sa Southeast Asia na matatagpuan sa Cadiz City, Negros Occidental.
Ayon kay Cadiz City Mayor Patrick Escalante, hindi bababa sa 90 solar panels ang pinagsisira ng mga armadong kalalakihan na pagmamay-ari ng Helios Solar Energy Corporation.
Nagkakahalaga ng higit 2 milyong piso ang mga solar panels na pinagbabaril at pinasabugan pa ng mga NPA.
Naniniwala ang alkalde na ginawa ito ng npa bilang bahagi ng kanilang pangingikil sa kumpanya.
—-