Pinasinayaan kahapon ang pinakamalaking solar park sa Jordan para mapatakbo ang isang refugee facility sa Zaatari Desert Camp.
May 4,000 solar panels ang inilagay para makapag-suplay ng kuryente sa loob ng 14 na oras na maaaring makonsumo ng higit sa 10,000 Syrian refugees.
Ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees layon ng naturang proyekto na bigyan ng kaginahawaan ang mga naninirahang refugee.
Pinondohan ng bansang Germany ang solar park na nagkakahalaga ng 15 milyong euro.