Itatampok sa isang museo sa Davao City ang prineserbang buto ng pinakamalaking sperm whale na natagpuan sa Pilipinas.
Mayo nitong taon nang mapadpad sa Davao Occidental ang dambuhalang balyena.
Tinatayang may sukat ito na 60 talampakan at ang pinakamalaking balyena na narekober sa bansa.
Ayon sa necropsy, namatay dahil sa katandaan ang balyena.
Nakatakda itong i-display sa The Bone Collector Museum kasama ang 6,000 specimens na buto o taxiderm ng iba’t ibang hayop.–-sa panulat ni Hannah Oledan