Ipinadala na ng Japan ang pinakamalaki nitong warship para i-escort ang US supply vessel na kinabibilangan ng USS Carl Vinson.
Ayon sa ulat, magsisilbing suporta ang helicopter carrier ng mga warship ng Amerika na kinakailangang magpa-refuel.
Ito ay sa harap ng banta ng North Korea na palulubugin ang mga barkong pandigma ng Amerika na magtutungo sa Korean peninsula.
Matatandaang katatapos rin lamang ng military exercises sa pagitan ng Japan at Estados Unidos.
By Ralph Obina