Puspusan na ang pag-apula ng mga bumbero sa California, USA sa pinakamalaking wildfire na kanilang kinakaharap.
Ayon sa California Department of Forestry and Fire Protection, umabot na sa 117,000 hectares ang lawak ng wildfire sa Mendocino County o kasing-laki na ng Los Angeles, ang pinakamalaking lungsod sa California.
Aminado ang ahensya na posibleng abutin ng isang buwan ang pag-apula sa sunog dahil sa epekto ng nararanasang heat wave.
Libu-libo na ang nagsilikas habang pitumpu’t limang (75) gusali na ang naabo sa mahigit dalawang buwang wildfire.
—-