Gagamitin na ng Philippine Navy ang pinakabago at pinakamalalaking barko nito para magdala ng mga ayuda sa mga biktima ng bagyong Urduja.
Sinabi ni Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, navy flag officer in command na ang naval forces central sa Mactan, Cebu ang magsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response operations katuwang ang local government agencies at Local Government Units.
Ayon kay Mercado, inihahanda na nila ang landing dock at landing craft heavy para magdala ng mga goods, equipment at mga tauhan nilang tutulong sa relief operations.
Hinimok ni Mercado ang local officials at maging ang civic groups na tawagan ang naval forces central o anumang navy unit para sa kaukulang assistance.