Naitala kahapon ang pinakamalamig na temperatura sa buong bansa ngayong taon sa Baguio City.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, bumagsak sa 11.2 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City bunsod na rin ng paglakas ng hanging amihan na nagdulot ng biglaang paglamig.
Asahan naman na magpapatuloy pa ang malamig na panahon sa lungsod hanggang sa unang linggo ng Abril.
Samantala, naitala naman sa General Santos City kahapon ang pinakamainit na temperatura ngayong taon kung saan umabot sa 35.4 degrees.
Ayon sa PAGASA umabot naman sa 40 hanggang 41 degrees ang heat index o naramdamang init sa nasabing lungsod.
Dahil dito naghahanda na ng pondo ang City Agriculture Office ng General Santos para sa magiging epekto naman ng mainit na panahon sa mga sakahan.
Nangangamba na rin ang ilang mga magsasaka dahil ngayon pa lamang ay natutuyo at nalalanta na ang ilan sa kanilang mga pananim.
—-