Asahan nang patuloy pang mararamdaman ang malamig na panahon hilagang bahagi ng bansa bunsod ng pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ito’y makaraang maitala ng PAGASA ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ngayong taon na pumalo sa 11.4 degrees celcius.
Dahil dito, inaasahang maglalaro naman sa 23 hanggang 25 degrees celcius ang temperatura sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao ngayong araw.
Habang makararanas naman ng pulu-pulong mga pag-ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon maging sa Bicol Region bunsod pa rin ng epekto ng hanging amihan.
Habang ang tail-end of a cold front naman ang siyang nakaapapekto sa Katimugang Luzon maging sa Visayas at ilan pang bahagi ng Mindanao.
Dahil may umiiral ding gail warning, pinapayuhan ng PAGASA ang mga maliliit na mangingisda na huwag munang pumalaot bunsod ng malalaking alon lalo na sa silangang baybayin ng Luzon at Visayas.
—-