Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura sa bansa ngayong panahon ng amihan.
Ito’y sa kabila ng pag-iral ng El Niño phenomenon na inaasahang matinding mararamdaman sa susunod na taon.
Sa Baguio City, bumagsak sa 13 degrees celcius ang temperatura roon dakong ala-5:00 kahapon ng umaga.
Kaya naman payo ng PAGASA sa mga nagbabalak umakyat sa summer capital na magdala ng dobleng pananggalang sa lamig dahil asahan pa ang pagbaba ng temperatura sa nabanggit na lugar.
By Jaymark Dagala