Tiyak na nangangatog gumising ang mga residente at turista sa tinaguriang Summer capital ng Pilipinas, ang Baguio City.
Ito’y dahil sa naitala ng pagasa ang 11.4 degrees celcius na temperatura sa nabanggit na lungsod na siyang pinakamalamig na naitala ngayong taon.
Ayon kay Meno Mendoza, weather forecaster ng PAGASA, asahan nang lalo pang babagsak ang temperatura dahil sa umiiral pa rin ang hanging Amihan.
Magtatagal ang ganitong malamig na panahon hanggang Pebrero at posibleng lumawig pa sa kalahatian ng buwan ng Marso.