Naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ngayong taon.
Ito’y makaraang pumalo sa 13 degrees celsius ang temperatura sa City of Pines.
Kaya naman, tuwang-tuwa ang mga nagsipagbakasyon sa lungsod dahil sa paskong-pasko na ang kanilang pakiramdam.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan nang bababa pa ang temperatura sa Baguio City pagsapit ng Disyembre hanggang Enero ng susunod na taon.
Samantala, dahil naman sa inaasahang pagdagsa ng mga turista, nag-umpisa nang maghigpit ang mga otoridad upang matiyak ang kanilang seguridad sa lugar.
By Ralph Obina