Naitala ngayong araw na ito ang pinakamababa o pinakamalamig na temperatura sa benguet sa Amihan 2020-2021 season.
Ayon sa PAGASA, rumehistro sa 7.9 °C ang pinakamababang temperatura sa Benguet State University kaninang umaga samantalang nasa 9 °C naman ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City.
Sinabi ng pagasa na naranasan ng Metro Manila ang 19. 3 °C na temperatura kaninang umaga.
Enero 18, 1961 nang maitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na nasa 6.3 °C at Enero 11, 1914 naramdaman sa Metro Manila ang pinakamalamig na temperatura sa 14.5 °C.