Nakapagtala lamang ng limang bagong kaso ng COVID-19 ang Eastern Visayas, na itinuturing na lowest single-day COVID-19 tally simula nang mag-umpisa ang pandemya.
Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), umabot na sa 51,217 ang kabuuang kaso ng virus sa rehiyon at umakyat naman sa bilang na 50,458 ang total recoveries.
Sa ngayon ay mayroong 148 active cases sa lugar at nananatili naman sa 611 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.
Ayon sa ahensya, nakatulong sa pagbaba ng mga kaso sa rehiyon ang malawakang vaccination campaign ng pamahalaan.
Halos kalahati o 49.4% ng kabuuang populasyon ng rehiyon ang naturukan na ng COVID-19 vaccine. —sa panulat ni Hya Ludivico