Umarangkada na ang kampaniya ng Bureu of Fire Protection (BFP) ngayong unang araw ng Marso, hudyat ng pagsisimula ng Fire Prevention Month.
Sa Metro Manila, sinimulan na ito ng motorcade ng may 242 fire engines mula sa iba’t ibang BFP units, local government units (LGUs) at mga fire volunteer brigade sa buong Metro Manila.
Pinangunahan ni BFP-NCR director Fire C/Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu ang isang programa kasabay ng paglulunsad ng tema ngayong taon “matuto ka, sunog iwasan na”.
Nagsimula ang programa sa Rotunda ng Mall of Asia Arena sa Pasay City at binaybay ng mga ito ang kahabaan ng Northbound lane ng Edsa hanggang sa makarating sa Quezon Memorial Circle.
Target din ng BFP-NCR na ungusan ang nasungkit na titulo ng Atoka Fire Department sa Amerika nuong 2012 na naitala sa Guinness World Record bilang pinakamaraming fire trucks na lumahok sa isang parada na may 220.