Pinakamaraming lumutang na shabu sa karagatang sakop ng Regions 1, 2 at 3 ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng Pangulo na nananatili pa ring numero unong problema ng bansa ang shabu dahil sa hindi matapos-tapos na modus ng mga drug lord.
Isa umano dito ay ang pagluluto ng shabu sa mga lumang barko na nasa gitna ng karagatan at sa oras na maluto na ito ay inilalagay na sa kulay asul na plastic bins at nilalagyan ng ‘homing device’ bago ito itapon sa karagatan.
Sa pamamagitan aniya ng homing device madaling natutunton ng mga drug dealer ang mga shabu.
Ipinabatid ni Pangulong Duterte na sa mga nabanggit na rehiyon madalas nakikita ang maraming shabung palutang-lutang sa karagatan.