Naitala sa probinsya ng Cebu ang may pinakamaraming mga bagong kaso ng HIV o Human Immunodeficiency Virus sa buong Region 7 ngayong taon.
Ayon kay Dr. Van Philip Baton, coordinator ng Re – emerging Infectious Disease Program ng Department of Health (DOH) Region 7, ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ay dahil ‘gateway’ ang probinsya patungo sa Mindanao at Visayas kaya marami ang mga taong dumadayo at umaalis dito.
Mula sa kabuuang 4,165 bagong kaso sa buong bansa, 3,665 cases ang naitala sa Cebu, kung saan 219 ang naging full blown aids.
Naitala naman ang 153 HIV cases sa Bohol, 84 sa Negros Oriental at 6 na HIV cases sa Siquijor.