Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming nahuling lumabag sa gun ban kaugnay ng halalan 2022.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), umabot na ito sa 3,308 na katao ang naaresto.
Nasa 3, 202 ang nahuling sibilyan, 61 security guard, 23 na pulis at 22 na tauhan ng militar.
Nakumpiska naman ang 2,561 na baril, 15,875 piraso ng bala, at 1,065 deadly weapons.
Habang nakapagsagawa na ang pulisya ng 3,101 operasyon sa iba’t ibang lugar upang mahigpit na maipatupad ang polisiya sa gun ban.