Pumalo na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga overseas voters na nagparehistro para sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Undersecretary Rafael Seguis, ang Chairman ng DFA-Overseas Voting Secretariat, unang pagkakataon ito sa kasaysayan ng bansa na ganito karami ang mga nagparehistrong overseas voter.
Sa katunayan ayon kay Seguis, mahigit sa 100 porsyento ang itinaas ng registration period ngayon kumpara noong nakaraan.
Batay sa tala, halos 400,000 Pinoy sa abroad ang bagong rehistradong botante.
Naniniwala si Seguis na ang mas dumaming bilang ng mga nagparehistrong overseas voters ay dahil sa pagtutulungan ng mga foreign service posts ng Pilipinas.
By Meann Tanbio | Allan Francisco