Nasungkit ni Pangulong Benigno Aquino III ang pinakamataas na approval at trust rating mula sa hanay ng national government officials sa nakalipas na tatlong buwan.
Base sa pinakabagong “Ulat ng Bayan” national survey ng Pulse Asia, 52 percent ang nakuhang approval rating ng Pangulo na mas mataas ng 3 porsyento kumpara sa nakuha nito noong Enero.
Tumaas naman ng 10 porsyento o 49 percent ang trust rating ng presidente.
Samantala, bumaba ng isang porsyento o 46 percent ang approval rating ni Vice President Jejomar Binay.
Habang sumadsad sa 44 percent mula sa 48 percent ang trust rating ni Binay.
Isinagawa ang survey mula March 12 hanggang 18 sa may 1,800 rehistradong botante sa pamamagitan ng face-to-face interview.
By Meann Tanbio