Sumampa sa 1,200 at 43 ang panibagong bilang ng nahawa sa COVID-19 na naitala ng DOH kahapon.
Ayon sa DOH, ito na ang pinakamataas na new COVID-19 cases simula pa noong Pebrero 26.
Tumaas din sa 8,706 ang bilang ng aktibong kaso, kumpara sa 7,871 noong Huwebes.
Ang mga rehiyong nanguna sa may pinaka-mataas na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang NCR na may 5,120; sinundan ng Calabarzon na may 1,832 at Western Visayas, 898.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 60,565, habang 3,636,378 ang mga gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, 3,705,649 na ang nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.