150 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na magdamag.
Batay sa datos ng PNP, 55 sa mga bagong kaso ang nagmula sa NCRPO, 32 mula sa National Administrative Support Unit, 22 mula sa National Operations Support Unit.
15 ang naitala mula sa Police Regional Office 2 o Cagayan Valley PNP, 14 mula sa Region 4A o Calabarzon, 10 sa Eastern Visayas o Region 8 habang tig-isa ang naitala sa national headquarters at Region 4B o Mimaropa.
Kasama na sa bilang na ito ang halos buong puwersa ng Tuguegarao City Police Office na tinamaan din ng COVID-19 kabilang na ang Chief of Police nito.
Sa kabuuan, umabot na sa 3,901 ang bilang ng mga nagpositibo sa nasabing sakit kung saan, 2,707 ang nakarekober na.
660 ang naitalang probable cases sa hanay ng PNP habang nasa 2,962 naman ang suspected cases sa PNP.