Naitala sa Sultan Kudarat ang may pinakamataas ng bilang ng nasawi dahil sa dengue sa Soccsksargen Region.
Ito ay matapos na pumalo sa 19 ang namatay dahil sa dengue sa lalawigan habang nasa 1,700 na ang naitatalang kaso simula Enero hanggang Hulyo 27 ngayong taon.
Kaugnay ito, araw-araw nang nagsasagawa ng fogging at misting operation ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat.
Mas pinaigting din ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat ang kanilang kampanya para mapuksa ang mg alamok na nagdadala dengue gayundin ang patuloy na paalala sa mga eskwelahan at mga magulang.
Una nang nagdeklara ng national dengue alert ang Department of Health matapos makapagtala ng mahigit 130,000 kaso at 561 nasawi.