Naitala nito lamang buwan ng Marso ang pinaka mataas na bilang ng mga turistang dumagsa sa Boracay Island sa Malay, Aklan.
Ito ay matapos luwagan ng pamahalaan ang restriksiyon sa mga tourist destination sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), umabot sa 150,597 na mga turista ang bumisita sa Boracay sa nasabing buwan at halos umabot na ito sa 172,207 na naitalang bilang ng mga turista noong March 2019 bago nagsimula ang pandemya sa bansa.
Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, posible pang tumaas ang bilang ng mga turistang bibisita sa lugar dahil papalapit na ang mahal na araw.
Dahil dito, nagpaalala ang opisyal sa mga turista na patuloy na sumunod sa safety protocols ngayong holy week upang hindi kumalat at tumaas ang kaso ng COVID-19. – sa panulat ni Angelica Doctolero