Nakapagtala ang Pilipinas ng 879,429 namatay noong 2021, pinakamataas sa loob ng isang taon.
Batay sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM), nahigitan ng bilang ang 613,936 na namatay noong 2020.
Kaya kung susumahin, nasa 2,700 deaths ang naitatala kada araw noong 2021.
Noong 2019 huling naitala ng POPCOM ang pinaka-mataas na bilang ng namatay sa bansa na umaabot sa 620,414.
Nangungunang “cause of death” ay atake sa puso, stroke, diabetes, hypertension, malnutrition at cancer.