Naitala ng Bureau of Customs (BOC) ngayong Hunyo ang pinakamataas na buwanang koleksyon sa kasaysayan.
Ito ay matapos makakolekta ang boc ng P76.290B batay sa preliminary record mula sa BOC Financial Service.
Nalagpasan nito ang P56.287B na target o mas mataas ng 35.5% o P20.003B
Mas mataas din ang koleksyon nitong hunyo kumpara sa P70.778B na naitala noong Marso.
Kasama sa revenue collection ang karagdagang kita mula sa tax expenditure fund at post clearance audit group.
Samantala, 14 naman sa 17 collection districts ang lumagpas sa target nilang koleksyon kabilang ang San Fernando, POM, MICP, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic. Clark, Aparri at Limay.