Naitala kahapon, linggo ang largest single day increase sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa World Health Organization (WHO) nakapagtala na ng mahigit 183,000 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.
Ito na ang pinakamalaking single day increase sa kaso ng COVID-19 simula nang maideklara ang pandemya.
Sinabi ng WHO na kabilang sa nakapagtala ng malaking bilang ng mga bagong kaso ang mga bansang Brazil, US at India.