Nakapagtala ang bansang India ng pinakamataas na bilang ng nasawi sa buong mundo bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw ngayong Huwebes.
Batay sa ulat ng Reuters, umabot ng 6,148 ang bilang ng lahat ng nasawi sa India ngayong araw dulot ng naturang virus kasunod ng pagrebisa sa mga numero ng COVID-19 death cases doon nitong Miyerkules.
Samantala, lumobo naman ang kabuuang bilang ng lahat ng nakitil ng COVID-19 sa nasabing bansa sa bilang na 359,676 batay sa tala ng India’s health ministry.
Matatandaang , nakapagtala rin ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 deaths sa loob ng isang araw ang Estados Unidos noong Pebrero 12,2021 na umabot naman sa 5,444.